Premarital sex
Nov 21st, 2008 by ella
Naku ha, babaha na naman ang search engine hits ko nito hehe. Meron na naman kasing “sex” sa pamagat eh. Ano kayang meron sa sex at pinaghahanap ng sangkatauhan ng net ang topic na ‘to? The male of the species in particular, I’m sure.
Tip sa newbie bloggers na gustong magkamal ng sandamakmak na traffic - singitan ‘nyo lagi ng “sex” ang pamagat ‘nyo nyahaha! Sigurado ako, hugos ang traffic sa blog ninyo. Kesehodang ang post ‘nyo eh tungkol sa talaba hehe.
Oops sorry, I digress again. Ang topic ko nga pala ay tungkol sa isang tanong na matagal nang umuukilkil (whew ang hirap i-type nito) sa aking balintataw. Wait, napansin ‘nyo ba ang lalalim ng mga Tagalog ko lately? Nagpra-praktis lang po. Baka kalawangin eh.
To continue…dito sa atin, medyo taboo ang open discussion ng premarital sex. We just don’t ask a friend something like this, “Hey, did you do it with whatshisname?”
Pucha, ipupusta ko ang aso ko, that is one question many of my readers wanted to ask me hahaha
Uuuy aminin. Naah no worries, labs. Para sa akin, it’s normal and not at all offending if the thought crossed your minds.
Sa totoo lang, nagtatanong din kasi ang isip ko ng ganoon sa mga kaibigan ko LOLs Hindi ko nga lang sila maderetsa. Hanggang hinala na lang tuloy ako hehe
This aspect of premarital relationships never fails to pique my curiosity. Ella usisera na naman tsk. Eto ang mga katanungang nagsasalimbayan sa aking isipan.
-
*Ilang percent pa ba ng Filipino women ang naniniwala sa virgin brides?
*Ilang lalaki pa ang nangangarap na magharap sa dambana ng “malinis” na babae? (question: madumi na ba kapag hindi na virgin hahaha)
*Meron pa bang nasasabik at kinakabahan sa “first honeymoon night” as if it’s really the FIRST?
*Mapipilit ba si girlfriend kung ayaw niya talaga? (akshuli, hindi kasali to, wala lang, gusto ko lang itanong hehe)
It’s understood my characters here are consenting adults, ok? I do not condone teenage sex and that topic merits an entirely different post.
Para magkaroon ako ng ideya sa kasagutan ng mamamayan ng Barangay Ella, magsa-survey tayo through a mini poll. I hope you oblige me, my dears.
There are only two sides to the question, whatever your stand on morality is. We’ll make it very simple. If you want to add your reasons why or why not, feel free to use our comment box. Maraming salamat sa abala, guys.
Popularity: 1% [?]














Alam ko, pipol, mali ang lumingon-lingon pa sa nakaraan at magtampisaw sa ilog ng alaala. But if we’re really honest with our feelings, aaminin nating totoo nga, first love never dies. Nandoon pa rin siya. Nagtatago lang sa isang madilim na sulok ng puso natin. Kahit naka-move on na tayo, hindi nabubura ang pitak ng unang pag-ibig.


No, I’m not talking about the Nestea plunge. Uhuh, that’s right, I mean the neckline plunge! And I’m saying wear that plunge in the office! 

Bakit ba kapag depressed ang isang tao, ke lalaki ke babae, pinag-iinitan ang buhok? Napansin ‘nyo ba ‘yon? Andiyang ipagupit, ipakulot, ipa-rebond, ipa-cellophane, plantsahin o ipa-unat kahit dati nang unat ang buhok. 

